CHESSIKA | How To Clean & Store Your Makeup Brushes

Naging kikays tayo dahil mahilig tayo magpaganda at ang numero unong instrument natin sa pagbibida e tadarantanan!… makeup. Alam niyo yan! Syempre, kailangan mo ng tools sa pag-apply ng makeup kaya dito na papasok ang usefulness ng mga makeup brushes! Dati hindi ko alam na need palang hugasan ang mga brushes, pagkabili hanggang malaspag wala na akong pake diyan! Yun pala parang tao rin to, dapat pinaliliguan! Napakabalahura ko talaga noon, hindi ako nabrief nung mas bata pa ako! Hahaha. Pero ngayong alam ko nang may proper hygiene rin pala ang brushes, sheshare ko sa inyo kung paano sila linisan. Yes, sa wakas nalaman ko rin! (At proud pa akong ngayon ko lang nalaman talaga?!)

Wala yan kung mahal o mura ang brushes niyo mga bakla. Kasi cheapenggels man yan or ginto, nakaka-attract yan (may love at first sight ganap?) ng bacteria and oil sa fez natin kaya diba ayaw mo namang ibalik yung bacteria sa mukha mo para ka ng bacteria na tinubuan ng mukha non! So iwas pimples and dirt, alamin natin paano ang tamang paglinis sa brushes para mapanatiling makinis ang skin! Napakagenerous ko talaga sa info! (Ako na naman bida)

 

1. Spot Cleaning

Meron akong idiscuss na 2 ways kung paano maglinis ng brushes! Itong Spot Cleaning yung mas madali at agad-agaran ang effect! Usually after mo magmakeup, gagawin mo na to para malinis agad hindi na nag-iipon ng dumi sa bristles! Sosyal, bristles talaga ha? O, pero paano na nga? Daming hanash!

So ang kailangan natin dito: makapal na tissue at buy ka ng brush cleanser! Ito yung mga panglinis ng brushes na hindi mo kailangang ibanlaw pa sa water mga bakla ha. Time is gold! Hassle pumunta ng banyo! Hahaha. Popular dito yung sa MAC Brush Cleanser and yung Parian Spirit Brush Cleaner. Keri?

Ayan, ikot-ikot mo lang yung brush mo tapos makikita mong nalilinis na siya! Instant linis! Sana sa mukha rin meron yung may pinahid ka lang tapos after 5 seconds instant artista na!

 

2. Deep Cleaning

So kahit madalas yung Spot Cleaning, hindi pa rin enough yan para super duper malinis yung brushes mo girl. Kailangan at least once a week e mag-deep clean ka. Nakakatamad to pero pipiliin mo bang tamarin o yung tubuan ka ng tigidig dahil sa maruming brushes! Mahirap talagang magmaganda! Kaya natin to! Go!

Dito naman pwede pa rin yung Brush Cleanser mo ‘day kaya lang usually kasi mahal yun e kumusta ka naman kung ipangligo natin yan sa brushes diba baka wala na tayong pamasahe papuntang opisina! Ang offer kong alternative is baby shampoo. Tipid tip from Madam K! Yes! Tapos water lang and canister(sosyal canister pa talaga) o kaya kahit anong mangkok, baso o lalagyan! (Pinaganda ko pa kasi e! Haha) Usually sa palm ko lang nililinis yung akin ha pero hindi ko madiscover kung sa paanong paraan ko mapipicturan yung process ng paglinis ko kung dalawang kamay ang gamit ko! Mahina ang kalaban! Kaya get na lang ako ng lalagyan! Ayoko ng kumplikadong life! Charos

Ayan syempre parang naliligo lang, warm water ka muna bago yung main event na linis! Take Note: Wag niyong babasain yung top part ng bristles ha. As much as possible wag niyong padapuan ng water yung metal part kasi andiyan yung glue, so pag lagi niyong iwewet yan aba walang sisihan kung biglang maglagas yan! Wag mo akong iiyakan! So careful ka lang mars, dun ka lang sa middle at tip areas!Remember that!

Ilagay nyo lang yung shampoo dun sa bristles tapos ihalo-halo niyo lang siya habang kumakanta ng Dancing Queen! Win!

Huwag mabahala kung parang binaha ang water niyo! Hahaha. Proof yan na nalilinis ang brushes! Weee! Remember ulit hanggang sa pag-shampoo niyo, dapat hindi mabasa yung metal part ha. So iadjust niyo lang ang water level depende sa size ng brush. May math factor talagang kasama dito!

After nung shampoo, banlawan naman natin yung brushes! So palitan lang ng water tapos halo-halo and kapag clear na yung tubig, okay na yan ready to make patuyo na raw sigaw ni Mr. Brush!

 

So paano patutuyuin ang  brushes?

Gumamit ng blower? Isabit sa aircon? O ipasok sa microwave? Ito ang tamang paraan!

Hanap ka lang ng towel tapos ihiga mo lang sila doon. Balikan mo na lang kapag ready na ulit sila rumampa sa fez mo! Kung araw-araw ka talagang nagmamakeup, I suggest na hatiin mo yung linis ng brushes since hindi agad natutuyo to. So wag mo na lang lahatin if kailangan mo pa yan pampa-aura mo!

Kung may anda ka naman madam, pwede kang bumili ng mga Brush Holders! Aba mayaman!! Marami niyan sa mga online shops, magsearch search ka lang makakachempo ka rin. I can feel it!

Ayan diba kung maparaan ka naman mars solved ka na! Di kailangang gumastos, ikaw ay makakaraos!!

 

After matuyo, deserve rin ng makeup brushes ng magandang paglalagyan! Kung ikaw din naman maaappreciate mo yung kama na malaki at malambot after maligo! Ang brushes din wag mo pagkaitan ng ganong pagkakataon. Itabi mo sa kama! Chos!

Ako talaga ang hanap ko yung lalagyan ng brushes na may lid sana. Kasi iwas dirt na nagfafly-fly sa paligid-ligid! Matapos ang matagal na paghahanap, may nadiscover akong Brush Holder with Lid, I got it from Miss Bella PH! Salamat sa universe!

Super bet kasi parang may museum yung brushes ko! Hahaha. Sure ka nang malinis, very safe pa sila sa mini house nila. LOVE!!! May free beads ka pa! Syempre pink talaga color ko, napakaarte! Pwede niyo check yung Brush Holder nila and marami pa silang ibang offer na mga kakikayang organizers na bagay na bagay sa ating mga bakla: https://www.facebook.com/missbellaonline?fref=ts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *